Mga Post

The One

Minsan na akong nagpakatanga sa taong minahal ko noon. Yung tipong kahit sobra sobra na yung sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya ay tinitiis ko. Siya lahat ng first ko.. Natatakot akong makipag break dahil baka wala ng tumanggap sakin.. Pero there's this guy na nakilala ko, Gwapo at mukha namang mabait. Naging crush ko siya nun and then hanggang sa napansin niya ako. Niligawan nya ako nun. A few months after, Sinabi ko sa kanya yung past ko , Natakot ako na baka di niya ako tanggapin at iwan na lang ako bigla but I was wrong, Akala ko lang pala iyon. He's different from the other guys.. Tinanggap niya ako ng buo at minahal. Sa panahon natin ngayon, Karamihan sa mga babae natatakot na baka wala ng tumanggap sa kanila dahil sa mga pagkakamaling nagawa nyo before.. Eto guys ah, Kung seryoso talaga yan sa inyo at hindi libog ang habol sayo... Tatanggapin ka nyan kahit ano pang nangyari noon.. Diba nga past is past. Yun lang yun . Magpakatotoo ka lang sa taong mahal mo.. Di k...

Paano kapag may umamin sayo na gusto ka niya?

Madali lang yan.. Ang dapat diyan magpakatoo ka lang. Sabihin mo yung totoo para naman aware siya kung aasa ba siya o hindi. Natatakot ka na masasaktan siya kaya minsan ayaw mong sabihin sa kanya ng diretsuhan. Alam mo, mas masasaktan yan kung aasa siya sa wala. Kaya mas mabuti pang masaktan siya sa katotohanan kesa naman tawagin kang paasa.

Trust

Pinakamahalaga sa isang relasyon ay ang TIWALA. Kadalasan yan yung dahilan kung bakit kayo nag aaway. Dahil sa kakulangan niyo ng tiwala sa isa't isa. Masyado kayong nagpapakain sa selos at tamang hinala eh. Karamihan talaga ganyan, Di naman kasi natin maiiwasan ang magselos at mag isip ng kung ano ano lalo na kapag wala pa kayong masyadong komunikasyon sa isa't isa. di ba? Pero kahit ganun, Magtiwala naman kayo. Di naman kayo liligawan o sasagutin kung di ka niyan mahal. Di yan magpapakahirap na kunin ka kung lalandi lang din naman pala siya sa iba. Siguro nga sa bf/gf mo meron, sa iba wala. Pero di yan rason, dahil alam naman ng bf/gf mo ang limitasyon niya. Ayaw din naman nilang masira ang relasyon niyo kaya di yan gagawa ng bagay na ikasisira ninyo. Uso magtiwala. Try mo kaya di ba

It is better to let go than to hold on

Dahil mas masasaktan ka lang kung patuloy ka pa ring kakapit. Pero di ko namang sinasabi na bumitaw ka.. Ang sa akin lang, Mas magiging okay ka na kung bibitaw ka na . Kasi diba kung kayo, kayo talaga. Magpahinga ka din kasi, wag laban ng laban. Kaya ka napapagod ng sobra eh. Just let it flow. 

Tigil na kung di na kaya

Bakit nakakapit ka pa?  Para saan pa? Bakit pa? Dahil iniisip mo na babalik kayo sa dating puro saya lang? Umaasa ka na magiging okay pa ang lahat kahit ang totoo ay sirang sira na talaga? Oo alam kong mahirap bumitaw sa mga bagay na sobra na nating minahal. Pero di ka ba napapagod na umiyak at masaktan sa paulit ulit na dahilan? Subukan mo kayang isipin muna iyang sarili mo. Wag puro siya okay? ni hindi ka nga niya iniisip. Maawa ka naman sa sarili mong pagod na pagod na.. May mas deserving pang tao para sayo. Di lang naman siya ang tao sa mundo. Wag mong ifocus sa kanya ang lahat. Dahil ang tao ay tao lang . wag mong gawing mundo..

I fell inlove with my bestfriend

Imahe
Naranasan niyo na ba na mainlove sa bestfriend mo?  Ang hirap ng ganyan no? Yung tipong kailangan mo itago dahil natatakot ka na kapag nalaman niya ay iwasan ka na lang niya. Well, Mas lalo mo lang pahihirapan ang sarili mo kung ganyan. Why not take a risk? Malay mo gusto ka na din pala ng bestfriend mo di ba? Sadyang parehas lang kayong natatakot. Pero kasi mag bestfriend kayo, Kung ayaw man niya sayo or hindi kayo parehas ng nararamdaman, Di ka niyan lalayuan dahil ayaw din niyang mawala yung pagkakaibigan niyo kasi masasayang. Ng dahil lang sa nagkagusto ang isa, iiwas na? Di dapat ganun. Pero besh paalala lang din, Kung may gf/bf na ang bestfriend mo, Iwas iwas konti or mag-adjust ka na lang kasi may gf/bf na eh. Alam niyo naman di ba na may mga selos na nagaganap. Ayaw niyo naman makasira ng relasyon diba kaya adjust na lang. Dahil yung mga bagay na nagagawa niyo noon, may limitasyon na ngayon.